Thursday, April 30, 2009

Coffee Break # 4: Partnerships

Theory: 'Wag kang pipili ng tinapay na hindi babagay sa kape mo. Kahit ano pang sarap ng kape mo at kahit gaano pa kaperpekto ng timpla mo, sayang din lang. Or pwede ring 'wag ka na magtinapay.

Nagkakape ako kanina kasama ng nanay ko, tapos tinitingnan kong mabuti kung ok pa ba 'yung tinapay na dinampot ko sa kusina. Tatlong araw na kasing naroon 'yun eh. Ang problema, nabulag ako sa gutom kaya hindi ko man lang malaman kung pupwede pa bang kainin 'yung tinapay.

Pwede pa naman daw.

Mabuhay lahat ng single.

Wednesday, April 29, 2009

Coffee Break # 3: Timpla

Theory: Kung hindi ka marunong magtimpla ng kape, hindi talaga.

Masarap magtimpla ng kape ang nanay ko.

Minsan, pag-aralan mo rin kung paano mo titimplahin 'yung dami ng kape, ng cream, saka ng asukal. 'Wag kang basta na lang umasa sa iba; mahirap na lalo na 'pag mag-isa ka.

Tuesday, April 28, 2009

Coffee Break # 2: Katiwasayan Ng Isipan

Theory: Dalawang inumin lang ang maaaring makakatas ng katinuan at maaaring makapaglagay ng katiwasayan sa isipan ng isang lalaki - 1.) Kape. 2.) Alak.

1.) Kape - Pinakamasarap itong inumin kapag bagong gising ka o inaatake ka ng puyat. Kasi kapag ganoon ang kinalalagyan mo, natural na hindi tumatakbo 'yung isipan mo; tila nakatingin ka na lang sa malayo at natutulala nang matagal. Mula diyan e pinatatakbo na ng kape ang iyong mga senses.

2.) Alak - Pinakamasarap naman itong inumin kapag pakiramdam mo e sobrang hyper mo na at hapit hapit ka nang magwala at mabasag. Gusto mong tumulala na lang at mag-isip hanggang sa ika'y mahimbing, o kaya naman gusto mong dumaldal nang walang katapusan, o pwede rin namang gusto mong maranasan ang lumipad sa mga ulap.

Alak, kape, alak, kape, alak, kape, iyan ang adiksyon ng mga lalake. Pero ang pinakamatinding adiksyon?

Babae.

Huli ka boy.

Iyon nga lang, hindi magiging matiwasay ang isip mo riyan. Mauulul ka lang.

Monday, April 27, 2009

Coffee Break # 1: Kalalakihan

Theory: Kapag isa kang lalaki, simula noong nagkamuwang ka na e bawat araw may iniisip kang at least isa sa mga crush mo. Hindi mo maikakailang may babae kang iniisip sa bawat araw ng buhay mo.

Habang nagkakape mag-isa kaninang mga alas tres sa garden namin dito sa bahay, naisip kong olats na naman ako. Hindi ko rin maipaliwanag pero nagkakakutob ako sa kalagayan ng aking bwakananginang love life.

Noong una hindi ko inaasahang nakakaulul pala ang pag-iisip sa mga babae. Pero ngayong tinamaan ako ng palaso ni kupido, nahihibang na ako.